Tag Archives: life

Baston, Pamaypay at Punda

14 Jan

Dahil napagod ang aking isipan sa maghapong paggawa ng mga gawain pampaaralan ay hirap ako makatulog ng Linggo ng gabi nang ika-10 ng Enero, 2026. Mga pasado alas 10 ng gabi na seguro ako nakatulog kalaunan. Habang mahimbing akong nakatulog sa kalamigan ng kuarto ko ay nanaginip ako at ganito ang mga pangyayari na isasalaysay ko sa inyo.

Ang Pagdating ni Nanay sa Bahay

Sa probinsiya namin ay may okasyon na nagaganap sa bahay. Pagtitipon ng buong pamilya at mga kamag-anak. Nagulat ako nang buksan ko ang pinto ng bahay namin ay bumungad sa aking harapan si Nanay. Parang pagod siya na dumating galing sa paglalakad sa gitna sikat ng araw. Naka kulay lila siyang duster na suot. Puti at maiksi ang buhok niya. Ang sabi ko, “Sino kasama ninyo dumating?” “Mag-isa lamang ba kayo?” Hindi siya nakasagot. Mag-isa nga dahil wala akong nakitang kasama niya. Pumasok siya sa bahay pero kalaunan ay lumabas siya ng bahay at umupo siya sa kabilang gilid ng daan na yari sa semento. Walang bangko o upuan doon pero umupo pa rin na para bang namamahinga o may hinihintay. Wala siyang katabi o kausap sa may daanan.

Ang Pag-uwi ni Nanay at Indo Pancing

Nang kalaunan ay nagpasyang umuwi si Nanay. Mabilis ang kanyang paglalakad. Sinusundan ko daw siya para alalayan. Hinawakan ko ang braso niya na payat, malambot, kulubot na parang naglalaylayan na ang mga balat. Pero maliksi at malakas pa rin ang pangangatawan niya kahit na siya ay payat. Ayaw niyang pahawak sa braso kaya binitiwan ko na lang ang braso niya. Nang paliko kami ng daan ay napansin si Nanay na itinapon na baston na yarin sa bakal, itim ang hawakan at itim din ang paanan ng baston. Hindi niya basta makuha dahil nakapulupot ito sa water hose at basa ito dahil sa tumutulong tubig. Ang sabi ni Nanay, “Kailangan ko ito.” habang pilit niyang hinihila yung baston na napupuluputan ng water hose. Mukhang ayos at buo pa ang baston. Nahugot niya rin at nag-umpisa ng maglakad gamit ang bastong nakuha sa harapan ng bahay. Nang akma na kaming papaalis ay may lumabas na babae na may hawak na tatlong pamaypay na may ibat ibang kulay, may kulay berde, dilawan at pula na nakabalot pa ng plastic. Iniaabot ng babae sa amin. Seguro naawa dahil naglalakad kami sa gitna ng araw. Sabi ko kay Nanay, “Baka may may-ari ng baston na yan na napulot natin.” Sumagot yung lalaki na nakasalamin na asawa ng babae na lumabas rin bahay nila. Ang sabi ng lalaki, “Sa inyo na yan dahil may nabili na kaming bago.” Nagpasalamat kami sa lalaki. Habang naglalakad kami ni Nanay, hindi namin namamalayan na nakasunod pala sa amin si Indo Pancing, kapatid ni Nanay na pauwi rin. Si Indo Pancing ay nakasuot ng duster na dirty white ang kulay ng damit. May napulot din siya na mga punda ng unan sa daan sa tapat rin ng bahay na kung saan namin napulot ang baston ni Nanay. Ang mga punda ng unan ay marami kaya nakasayad pa ang mga ito sa lupa habang si Indo Pancing ay naglalakad. Ang punda ng unan ay yari sa manipis na tela na parang tela ng kulambo ang ginamit. Ang mga punda ay parisukat Ang hugis na parang pang throw pillow ito at may ibat ibang kulay rin na light mga kulay nila, may berde, pula, asul, at iba pa.

Nauna nang nauna si Nanay sa paglalakad at hindi ko na natanaw. Nakasunod sa kanya si Indo Pancing na may hila-hilang mga punda ng unan. Ang sabi ko, “Nasaan na si Nanay?” Nakita ko sa malayo na nakarating na si Nanay sa tirahan niya. Nakikita ko sa malayo ang bubungan ng bahay na parang bungalow style nito na isang palapag lamang. Nakita ko si Nanay na nasa harapan ng bahay niya at hindi makapasok dahil nakapadlock pala yung gate nito. Isang lalaki na lumabas sa Isang malapit sa bahay ni Nanay sa gawing gilid sila ng bahay parang si Ca Raul at may dala-dalang baril. Tumayo Yung lalaki na naka puting T-shirt sa kabilang gilid ng kalsada at nakaharap sa harapan ng bahay ni Nanay. Para mabuksan ang gate ay itinutok niya yung baril na dala sa kandado para mabuksan lamang ito.

Nagising ako ng pasado ala una ng madaling araw ng Lunes, ika-12 ng Enero, 2026. Pumasok sa isip ko na parehas pala ang araw ng kamatayan nila Nanay at Indo Pancing, magkapatid sila, na natapat sa hindi inaasahang pagkakataon ay sa tuwing Enero 28 ang death anniversary nilang dalawa. Tapos si Nanay ay namatay ng 1:03 ng hapon at ang kaarawan niya ay sa buwan ng Disyembre.

Tatlong-Palapag na Gusali

11 Jan

Gabi ng Sabado petsa Enero 10, 2026 nataon sa kapistahan ng Santo Nino ay nanaginip ako ng isang gusali na may tatlong palapag. Nagsimula ang panaginip ko na umakyat ako sa isang gusali na may tatlong palapag. May hagdanan ito pataas at umabot ako sa ikatlong palapag ng gusali. Mukhang bahay yung gusali na inakyat ko. Nang nasa ikatlong palapag na ako ay nakita ko na ang mga dingding at kisame nito ay yari sa semento na pininturahan ng light color na parang pinaghalo ng puting pintura at konting asul kaya medyo bluish ang puting pintura nito. Nakita ko sa pag-akyat ko na may malaking tubo yari sa bakal sa loob ng bahay na malapit sa hagdanan. Nakapintura din ito katulad ng kulay ng nasa dingding at kisame ng bahay. Hindi ako nagtagal sa ikatlong palapag at bumaba na ako. Paglabas ko ng bahay ay napalingon ako sa gawing kaliwa at natanaw ko ang isang gusali rin na may tatlong palapag. Sa pakiwari ko ay isang paaralan ito ng sekondarya na may light color din pero yung paaralan ay medyo matingkad ang pagkaasul niya kaysa sa bahay na kung saan ako bumaba. May isang lalaki na nakaputing kamiseta na may kwelyo na nasa edad 30 hanggang 40 siya at may dalang flashlight dahil parang magdapit hapon na noon. Nakita ko tatlong palapag na gusali ay madilim at walang mga ilaw. Yung lalaki na mukhang bantay ng paaralan at ako ay naglakad patungo sa paaralan. Yung lalaki na nakaputing kamiseta na may kwelyo ay pumasok sa gawing kaliwa ng gusali. Hindi ako sumunod dahil madilim ang gusali at nagkaroon ako ng takot na pumasok sa gusali. Habang nasa baba at harapan ako ng gusali ay maya-maya ay nakita ko na maraming mga bata na bumababa sa gusali na nagdudulot ng ingay ang kanilang pag-uusap habang bumababa sa mga hagdan ng paaralan. Hindi sila naka-uniporme na parang nagpraktis sila. May mga lalaki at babae na pawang mga estudyante sa sekondarya. May mga lalaki na nakashort at nakasapatos. Yung isang mataas at kayumangging lalaki ay nakasuot ng gray na kamiseta. Ang mga babae ay nakashort din. Ang isang maputi at magandang babae ay naka-kamiseta na satin na may stripe na kulay na pababa ang disenyo ng stripes nito. Ang kulay ng stripes ay dark blue o navy blue sa magkabilang gilid at ang stripe sa gitna ay kulay puti. Ang babae ay nakapony tail ang kanyang buhok. Marami ang bumababa at nagstand by pa sa harap ng paaralan dahil may silongan ito at may mga upuan pa at doon nila inilatag ang kanilang mga bags habang patuloy silang nakikipagkwentuhan sa isa’t isa.

Nagising ako at alas singko y media (5:30) na pala ng umaga ng Linggo, Enero 11, 2026.

Hapunan sa Isang Kainan

3 Jan

Ika-03 ng Enero, 2026 nang madaling araw ay nanaginip ako na nasa isang kainan kaming mga magkakapatid sampu ng kanilang mga pamilya. Dumating daw kami sa kainan na gabi na at doon maghahapunan. Nasa bukana lang kami ng kainan at naghanap ng mauupuan dahil maraming kumakain sa loob na pawang mga banyaga ito at may mga mapuputing mga tao na nakaupo sa loob ng kainan na nagkukwentuhan. Nababanaag ko sa panaginip ko ang isang maputing babae na malapit sa aming kinatatayuan na nakaupo at nakikipag-usap sa kanyang kaharap. Blonde ang buhok nito at naka-pony tail ito at nakasuot ng sleeveless na itim na damit. Nakatagilid siya sa amin na nakikipag-usap kaya yung gilid ng mukha lamang niya ang nakikita ko. Ang ilaw sa kainan ay medyo dilawan ang kulay at hindi gaanong maliwanag. Nakita ko na punong-puno ng tao ang kainan. Wala kaming maupuan kaya tumawag kami ng isang waiter para bigyan kami ng upuan. Nag-abot ang waiter ng dalawang bangko na natitiklop. Ang bangko na unang inilatag ay isang mahaba at sinundan ito ng isang maiksi. Inilatag muna yung mahabang bangko na natitiklop na parisukat ang bawat sukat nito nang makita ko ito sa top view na magkakabit kabit ang bawat sukat na kulay brown ang kulay at walang sandalan ito. Mukhang nakadesenyo ang bawat sukat nito sa bawat tao na uupo. Sa mahabang bangko na nasa gilid inilatag ay doon naupo halos ang mga babae na kapamilya ko. Tapos may lamesa na natitiklop din sa gawing harapan ng mahabang bangko. Pagkatapos nailatag yung mahabang bangko ay inilatag din ang maiksing bangko sa kabila nito. Sabi ko raw sa sarili ko na “Bakit maiksi yung isa eh marami kami”. Tapos sa likod namin pag uupo na kami ay daanan ito ng mga tao na magiging sagabal kami sa pagpasok ng mga tao sa kainan dahil malapit kami sa pintuan ng kainan o baga nasa bukana kami ng kainan.

Umorder na ang mga kapatid ko ng mga pagkaing Filipino. Habang kami ay naghihintay ng inorder na pagkain ay may dumating na isang maputing babae na mukhang Hispanic ang itsura nito. Marami itong bitbit na mukhang mga pinamili niya dahil pawang nasa loob ng paper bag ay yung mga pinamili niya. Tumayo yung babae sa tapat ng aming lamesa. Iniisip niya kung uupo ba siya sa lamesa namin dahil wala ng maupuan sa loob ng kainan. Maya-maya na nga ay umupo na rin siya sa aming maiksing bangko para kumain sa lamesa namin. Sabi ko raw sa isang kapatid ko na babae habang naghuhugas ako ng kamay bago kumain na “Pwede ba siya makikain sa atin?” “Magugustuhan kaya niya yung pagkaing Pinoy”. Sumagot ang kapatid kong babae at sinabi niya na “Pwede naman siya makisabay at makikain sa atin. Kaya lang baka mag-aagawan sila sa pagkain at mahihiya siya makiagaw. Hindi rin siya makakain ng husto.”

Nang malapit na ako matapos maghugas ng mga kamay ko ay may pumila na babae na naka bistida na sleeveless at kulay itim ang bistida niya. Parang siya yung babae na Hispanic na maghuhugas ng kamay rin ng mga kamay bago siya makisalo sa hapag kainan namin.

Nagising na ako at 7:30 ng umaga na pala ng Sabado. Nagreflect ito sa kisame ng kuarto ko nang oras na yun.

Libreng Damit at mga Salamin

14 Dec

Marami akong mga panaginip na hindi ko naisusulat pagkagising ko dahil sa pagiging abala sa buhay hanggang tuluyan ko na ito makalimutan. Kaya naisip ko na bakit hindi ko ito isulat para hindi ko ito makalimutan. Bago ako matulog kagabi ay napaisip ako na ang isang tao ay pinapanganak at namamatay. Manalangin tayo at magpasalamat sa Diyos bago matulog kung tayo ay magigising pa kinabukasan para sa panibagong araw. Kagabi ay nagkaroon ako ng panaginip na tandang tanda ko pa ang mga detalye kaya habang naaalala ko pa ay sisimulan ko na itong isalaysay ngayon.

Gabi ng Sabado sa ika-14 ng Disyembre, 2025 sa aking bahay ay napanaginipan ko na naglalakad daw ako sa isang bulubunduking lugar na may mga batis. Ang mga batis ay malinaw, malinis at mababaw lamang. Nakikita ko ang mga isda na naglalanguyan sa batis. Tuwang tuwang ako na nakikita yung grupo ng naglalanguyang isda dahil nakikita ko mga tanda ng bibig nila sa ibabaw ng tubig na para bang mga tilapia ito habang nasa tabi ako ng batis. Sinubukan ko manghuli gamit ang aking kanang kamay. Malamig yung tubig sa batis nang dumampi ito sa aking kanang braso. Naswerte at nakahuli ako ng isang matabang isda na para bang Bisugo ang itsura, puti ang balat nito at nagpupumiglas pa ng ilagay ko sa aking lalagyan na parang sisidlan na gawa sa kawayan. Natuwa ako kaya nanghuli pa ako ng isa gamit ang aking kanang kamay at naging dalawa na nga ito sa dala-dala kong sisidlan. Nung magtangka ako na manghuli pa ng isa ay nahuli ko ay isang malaki at matabang hito. Ibinalik ko daw ito sa batis kasi ayaw ko ng hito. Habang pinagmamasdan ko daw ang mga isda sa gitna ng batis ay may napansin ako na isang matandang lalaki sa kabilang ibayo na parating at may dala-dalang mga bags na sa tingin ko ay tinahi at gawa niya mismo. Yari ito sa kumikinang na parang sako na walang nakasulat kahit anumang letra sa sako pero sa gilid nito ay may kulay asul na parang outline frame nito na nakatahi. Ang mga bags ay may mga bitbitan na parang panggamit kung mamimili sa supermarket. Inilapag niya yung mga bags sa mga batuhan at tuyong lupa na malapit sa batis. Maya-maya naglabas yung mama o matandang lalaki ng isang laman ng bag niya at iniabot niya ito sa akin. Nakita ko ay isang duster na pambahay na walang manggas na kulay pula at may mga desenyo ito na bulaklakin. Ang sabi ko raw sa matandang lalaki na naka-native na sumbrero na panlalaki na yari sa buli ay “Ibibigay ko ito sa Nanay ko.”

Habang ako ay naglalakad sa may tabi ng batis ay nakita ko na may kubo sa na malapit sa batis. Nakita ko na may mga inihaw na mga isda na makapal ang mga balat na kulay gray ang kulay na parang Tarian na isda itsura nito. Nakalutang sa tubig ang mga inihaw na isda na buo pa pero butas na ang mga tiyan nila na pawang wala ng mga bituka sila. Nagtataka daw ako kung bakit itinapon na lamang sa batis at hinayaang lumutang sa tubig ang mga inihaw na malalaking isda at mukhang masarap kainin ang mga ito. Tapos sabi ng matandang lalaki sa akin na “Tignan mo yung dulo ng tubo na nakatapat sa batis na nakakabit sa palikuran nila.” Napansin ko na yung dulo ng tubo ay binalot ng lumang tela at tumatagas dito ang tubig at bumabagsak sa batis na nakikita ko sa lugar na pinababagsakan ng tubig ay maputik dahil nababalot ang mga bato ng batis ng mga putik at wala akong nakikitang mga isda o anumang uri ng organismo doon kundi pawang mga bato na nababalutan ng putik lamang. Sabi ko raw sa sarili ko na madumi na ang tubig sa gawing ibaba ng batis dahil nadudumihan na ng mga tao na nakatira sa bahay na malapit sa batis.

Nagising ako sa aking unang panaginip at nakita ko ang oras na nagreflect sa kisame ng bahay ay 2:43am. Natulog uli ako.

Sa pangalawang panaginip ko ay pumunta daw ako sa isang shopping mall. Pagpasok ko raw ay nabungaran ko ang isang tindahan ng mga salamin sa mata. Yung tindera ay inalokan ako ng maraming salamin sa mata na may ibat-ibang design. Sabi niya sa akin, “Pumili ka lamang ng isa dahil ito ay libreng salamin.” Pakiwari ko ng oras na yun ay may promo sila kaya libre salamin sa mata pero Isang salamin sa mata lamang ang libre. Naglabas siya ng mga salamin sa mata one at a time na may ibat ibang desenyo at kulay. Wala pa akong nakitang mga salamin na ganito sa ibang mga shopping malls. Kahit may harang at nasa gawing gilid ako ng tindera at nakikita ko ang pagyuko-yuko niya para kumuha ng samples ng mga salamin sa drawers ng lamesa niya. May desenyo na may bulaklak at mga hayop na naka emboss sa mga salamin. May desenyo na may mga ark pa sa ibabaw ng salamin. Ang pinagtataka ko ay kung bakit yung lenses ng mata ay yung isa ay maliit ang lens nito sa kaliwa at yung isang lens sa kanan ay malaki naman. Lahat ay ganung design. Hindi balanse ang tingin ko sa itsura ng salamin na parang napapangitan ako. Tinanong ko yung tindera, “Pambabae o panlalaki ba itong salamin?” Ang sagot niya ay “Unisex”. Sinasauli ko sa kanya ang bawat pinapakita niyang salamin sa mata dahil hindi ko nagugustuhan ang design dahil hindi balanse ang laki ng lenses nito, bakit Isang maliit at Isang malaki ang lenses nito. Hanggang nag-abot ang tindera sa akin ng isang malaki at mabigat na salamin sa mata dahil yari sa bakal ang frame nito pero ang mga lenses nito ay apat na pawang malilinaw at parerehong laki nito na nakapaligid sa buong frame ng salamin. Kahit na mabigat ito ay yun na lang kinuha ko dahil sa alam ko na libre naman ito at hindi ako magbabayad. Nang kinuha ko na yung salamin sa mata ay nagulat ako ng may inilabas yung tindera ng Isang salamin sa mukha na pang lamesa na curve ang hugis nito at sa loob ng curve na salamin ay punong puno ng mga items tulad ng toothpaste, toothbrush, hand sanitizer, small lotion, etc. Ang pakiwari ko ay pagpipilian ba ito kung hindi ko kukunin ang salamin sa mata? Tinanong ko yung tindera. “Kasama ba ito sa pagpipilian o libre lang?” Ang sagot ng tindera sa akin ay “Dagdag na libre lang yan para sa iyo.” Hindi ako makapaniwala na may dalawang libreng items ako, Isang modernong salamin sa mata at Isang modernong salamin sa mukha. Ako ay lubos na nagpasalamat sa kanya dahil sa libreng items at nung paalis na ako sa tindahan ay nakita ko yung tindera na nagbigay sa akin ng dalawang libreng mga salamin na nasa counter na malapit sa exit. Maiksi ang kanyang buhok at nakasuot na puti na pang-itaas na uniporme at itim na pantalon. Napansin ko na maluhaluha ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin at habang ako naman ay papaalis ng tindahan. Gayunpaman, nagpasalamat pa rin ako sa kanya at tuluyan na akong umalis ng tindahan.

Nagising ako ng 5:05 ng umaga na nagreflect sa kisame ng bahay pagkatapos ng dalawang panaginip kanina lamang. Nagpasalamat ako sa Diyos sa panibagong umaga na ibinigay niya sa akin.

The Key of Success

28 Jun

Do you know that we can attain success in many ways? Believe it or not, there is always a key of success. Allow me to spell it out below for you to succeed.

S stands for Set up your goals. At the very start, you must learn how to set up your goals and stay in focus on it regardless of certain challenges and issues that you may encounter along the way. Many celebrities, athletes, businessmen, scholars, politicians and other successful people are setting up their goals at the beginning of their journey.

U stands for Understand your purpose. You need to understand your real purpose in life. Allow yourself to reflect for a moment before you will make your initial step towards your goals.

C stands for Catch up your plans. Not all your plans will turn out positively. You must have various options if initial plan fails. Have Plan A, Plan B, Plan C and so forth.

C stands for Commit yourself. Once, everything is getting well. You should learn on how to commit yourself firmly and seriously with all the things that you have started. Learn how to weigh things before making a wiser decision.

E stands for Energize your strengths. You have strengths and weaknesses personally and professionally. Maximize and optimize your skills and competencies which you think will lead you into success. Your own disposition and strategy will make you smart and unique individual.

S stands for Selfless ambition. Avoid self-centered mentality and aim for the best with the company of others. Build up a strong connection to anyone regardless of their age, sex, ethnicity, and socio-economic status.

S stands for Service-oriented actions. Provide genuine services to the local and international communities wherein you can spell out and measure success beyond its contextual meanings and standard norms of the community where you live in.

The End of Human Life

27 Jan

An inspiring speech or a very long journey ends up. An awesome story or a beautiful movie has an end. Does human life end up too? Certainly yes, the only uncertainty that we do not know is when it will happen and how it will happen. If that would be the case, what are the things that we should consider at present? Here are the things that follow:

Health Wise

If you want to live longer, you have to take good care of your health first. People have different priorities in life. Most of them are taking good care of their families, businesses, properties, finances, jobs and other people but they forget or never take good care of themselves. Neither a selfish act nor lack of empathy instead a must if you will take good care of yourself first.

Plan Wise

If you want to prolong your life, you have to plan wisely ahead of time. People have many plans in life. Sometimes most of their plans failed. Do you know why? Because they failed to plan well ahead of time. They never weigh the pros and cons of their plans in order to come up with a wise decision for them to act accordingly. Knowing the possibilities or envisioning what will happen in the future is not merely a scientific prediction but a gift of attitude to ponder.

Goal Wise

If you want to have a happy, fruitful and peaceful life, you have to set up your goals first then do it one at a time. Most people have many goals in life but only few of them succeeded. Do you know why? Some people set their goals in their minds only without appropriate actions. They don’t focus and lack of enough time and effort to let their goals come into reality. They want to stay on their comfort zones and not exploring things that bring out discomfort to them. You always think what people will say about you rather than what things that may benefit you most. Is your life depend on them for real? You are always thinking about them. Are you sure they always think about you?

Faith Wise

If you want to have a meaningful life, you have a good purpose in life. People have many purposes in life. Most of them want to have a healthy and wealthy life. They consider it a success already if they achieve something to be proud of. Does your success never end? If life story goes up and down, therefore, it is not constant. It keeps on changing every now and then. What is the only thing that must be constant in the entire human life? It is your faith, not only to your Church or God but also faith to yourself that you can and believing that everything in this world is not a permanent condition even your own life.

Blueprint Memories

19 May

Death is the ultimate destiny of any living thing on Earth. Bacteria, protists, algae, fungi, plants, animals and human beings died at certain place and time. These living things eventually exist then suddenly disappear afterwards. They grow and develop for a certain period of time. All these things are biological in nature. Several biological factors may help them to survive as well as affect them to die.

Death comes in human’s life whether you are poor or rich; illiterate or well-educated; unemployed or employed; unpopular or well-known; male or female; single or married, light-skinned or black-skinned; non-believer or believer; lowest status or highest status, and so forth. Thus, whether you like it or not, death leaves up a blueprint in one’s memories.

Certain people mark blueprint memories on you such as your loving parents, siblings, close relatives, friends, classmates, neighbors, colleagues, co-workers, teachers, administrators and even animals like your favorite pets. It is a blueprint memory in the sense that you’ve got personal, lifelong experiences being associated and directly interacted with these people and other living things. These relevant experiences and significant teachings serve as lifelong learning and create a strong foundation on you, being who you are right now.

Therefore, in order for a person to leave blueprint memories in the future, the person should have build up brighter and brilliant memories when he/she is still living on Earth.

Brother

6 Jun

“Life time is a measurable variable but life memories go beyond measurable time.”

Renato Mas Meron
Thank you for loving us.

Brother, when you were a little boy

Your parents were happy to see your face

Because people really admired your cute face

Brother, when you were grown up boy

Your parents were happy to see you working

Because people really admired your humble job

Brother, when you were a teenager

Your parents were happy to see you dancing

Because people really pleased and turned their heads on you

Brother, when your were a family man

Your parents were happy to hear your songs while singing in Karaoke

Brother, since you were born until you grew old

You let your parents, brothers, sisters, wife, children, grandchildren,

relatives, friends and neighbors felt happy anywhere and anytime

Your loving and happy memories remained in their thoughts and hearts.

Thank you for loving us.

Goodbye and Hello

27 Dec

Goodbye (“God be with you.”) and Hello (“Wishing you a good health.”) may sound contradictory words but for real, these words are so relevant and interrelated with each other.

How do you say “Goodbye” for the current year? How do you say, “Hello” for the coming year? Every year, people around the world have different beliefs, traditions and practices as observed in their own unique culture. These practices were not only be seen at the end of the year but throughout the months of the year. Variation of these practices occurs when people adopt and adapt certain changes due to some influential factors as days pass by. Throughout the year, many things had happened in our life as manifested by tears of joy, tears of pain or tears of grief. Every moment in life is so significant that marks our lifetime history. For the younger children, their clock might seem so slow while for the elderly people, it might seem so fast. Infact, they have the same clock speed.

What shall we do? Perhaps, we shall live normally with our fullest potentials. Learn how to enjoy a wonderful, happy and peaceful life. Everything starts with a wiser decision whatever the reasons or purposes that we want to be or need to achieve. Never pressure or stretch out ourselves beyond our limits and capabilities. Learn how to turn out our negatives into positive outcomes. The turning point starts in our own feet to move towards the direction that we aim to attain. Appropriate mindsetting is necessary to get into the turning point indepedently.

Hello” and “Goodbye” are still there not because of the reason that “Nothing is permanent.”, but because God is always with us permanently wherever we go and whatever we do and also saying, “Hello and Goodbye.” to us.

https://link-me.io/@masmeron

Bedridden and Helpless

17 Aug

In the middle of pandemic due to several variants of covid19, people easily get sick tremendously. Many people are still recovering from sickness.  Some of them are still in the worse medical condition due to complications. Most of the time, these people are bedridden and helpless in the hospital, quarantine facility or home quarantine.

Do you know the feelings of the patient being isolated, bedridden and helpless? Do you know also the feelings of the bedside caregiver monitoring the 24-hour medical condition of the patient? It is very tough to become a patient or a caregiver. Patients and caregivers are really experiencing physical, mental, emotional and financial pains.

Physical Pain

Medical patients are experiencing physical pains.  They cannot turn over their bodies by themselves because they are so weak. Their blood cannot circulate well which may turn into bedsores and develop into skin wounds that prone to infection. They cannot open their eyes to see everything around. They cannot open their mouth to say something what they need. They cannot eat well using their mouth. Instead, they eat through nasal tubing that brings out physical discomfort. They can sense the pain while injecting the needles on their bodies. They cannot move their bodies voluntarily.  They stay on their body positions for several hours.

Likewise, caregivers of these patients have physical pains too. They stay with them most of the time and monitor their health condition. They patiently lift up the patient’s body when needed. They patiently feed them and allow them sip some liquids in order to prevent dehydration. They quickly respond to the patient’s needs like changing diaper, cleansing the whole body and changing clothes.

Mental Pain

Medical patients are experiencing mental pain.  They have many thoughts.  They think negatively most of the time.  Thoughts like what if they cannot survive.  What will happen to them? Who will take good care of their families? Where are my children? Do they come?

Similarly, caregivers have mental pains too.  They are worrying about the patient’s severe condition.  They are thinking about what will happen next. Thoughts such as what they will tell to their families and how they will tell it. Do they feel sorry about it or just listen to what the family will say? Most of the time, caregivers are confused mentally. They cannot decide wisely on certain things.

Emotional Pain

Medical patients are experiencing emotional pain.  They can only hear the voices around.  They feel very sad that brings out unstoppable falling tears from their eyes.  Patients know that they will die anytime.  With their conscious mind, they pray silently. It is really difficult for them to leave their families, relatives and friends. It is very tough and heartbreaking process of separation in their entire life. They want to win the fight for life but they are helpless to do it.

Caregivers have emotional pains too. It is hard for them to look at the patients who are suffering from severe illnesses.  They can feel the deep pain internally. They also cry and feel sad.  They try to comfort the patients by all means.

Financial Pain

Medical patients and their families are experiencing financial pain. They spend much money and have developed huge debts from hospitalization costs, medical procedures, professional fees and medicines. They spend from hundreds to millions value amount of any currency. The outpatients incur medical expenses, food supplements and other necessary materials such as diapers, alcohol, bath soap and wipes.

Sometimes, caregivers are experiencing financial pain too.  Most of the time, the caregivers are close relatives of the patients.  If the family has poor economic condition, the caregiver usually provides the needs of the patient unselfishly. Being front liners, caregivers provide their humane services to the patients unconditionally.

https://livegoodtour.com/Masmeron