Marami akong mga panaginip na hindi ko naisusulat pagkagising ko dahil sa pagiging abala sa buhay hanggang tuluyan ko na ito makalimutan. Kaya naisip ko na bakit hindi ko ito isulat para hindi ko ito makalimutan. Bago ako matulog kagabi ay napaisip ako na ang isang tao ay pinapanganak at namamatay. Manalangin tayo at magpasalamat sa Diyos bago matulog kung tayo ay magigising pa kinabukasan para sa panibagong araw. Kagabi ay nagkaroon ako ng panaginip na tandang tanda ko pa ang mga detalye kaya habang naaalala ko pa ay sisimulan ko na itong isalaysay ngayon.
Gabi ng Sabado sa ika-14 ng Disyembre, 2025 sa aking bahay ay napanaginipan ko na naglalakad daw ako sa isang bulubunduking lugar na may mga batis. Ang mga batis ay malinaw, malinis at mababaw lamang. Nakikita ko ang mga isda na naglalanguyan sa batis. Tuwang tuwang ako na nakikita yung grupo ng naglalanguyang isda dahil nakikita ko mga tanda ng bibig nila sa ibabaw ng tubig na para bang mga tilapia ito habang nasa tabi ako ng batis. Sinubukan ko manghuli gamit ang aking kanang kamay. Malamig yung tubig sa batis nang dumampi ito sa aking kanang braso. Naswerte at nakahuli ako ng isang matabang isda na para bang Bisugo ang itsura, puti ang balat nito at nagpupumiglas pa ng ilagay ko sa aking lalagyan na parang sisidlan na gawa sa kawayan. Natuwa ako kaya nanghuli pa ako ng isa gamit ang aking kanang kamay at naging dalawa na nga ito sa dala-dala kong sisidlan. Nung magtangka ako na manghuli pa ng isa ay nahuli ko ay isang malaki at matabang hito. Ibinalik ko daw ito sa batis kasi ayaw ko ng hito. Habang pinagmamasdan ko daw ang mga isda sa gitna ng batis ay may napansin ako na isang matandang lalaki sa kabilang ibayo na parating at may dala-dalang mga bags na sa tingin ko ay tinahi at gawa niya mismo. Yari ito sa kumikinang na parang sako na walang nakasulat kahit anumang letra sa sako pero sa gilid nito ay may kulay asul na parang outline frame nito na nakatahi. Ang mga bags ay may mga bitbitan na parang panggamit kung mamimili sa supermarket. Inilapag niya yung mga bags sa mga batuhan at tuyong lupa na malapit sa batis. Maya-maya naglabas yung mama o matandang lalaki ng isang laman ng bag niya at iniabot niya ito sa akin. Nakita ko ay isang duster na pambahay na walang manggas na kulay pula at may mga desenyo ito na bulaklakin. Ang sabi ko raw sa matandang lalaki na naka-native na sumbrero na panlalaki na yari sa buli ay “Ibibigay ko ito sa Nanay ko.”
Habang ako ay naglalakad sa may tabi ng batis ay nakita ko na may kubo sa na malapit sa batis. Nakita ko na may mga inihaw na mga isda na makapal ang mga balat na kulay gray ang kulay na parang Tarian na isda itsura nito. Nakalutang sa tubig ang mga inihaw na isda na buo pa pero butas na ang mga tiyan nila na pawang wala ng mga bituka sila. Nagtataka daw ako kung bakit itinapon na lamang sa batis at hinayaang lumutang sa tubig ang mga inihaw na malalaking isda at mukhang masarap kainin ang mga ito. Tapos sabi ng matandang lalaki sa akin na “Tignan mo yung dulo ng tubo na nakatapat sa batis na nakakabit sa palikuran nila.” Napansin ko na yung dulo ng tubo ay binalot ng lumang tela at tumatagas dito ang tubig at bumabagsak sa batis na nakikita ko sa lugar na pinababagsakan ng tubig ay maputik dahil nababalot ang mga bato ng batis ng mga putik at wala akong nakikitang mga isda o anumang uri ng organismo doon kundi pawang mga bato na nababalutan ng putik lamang. Sabi ko raw sa sarili ko na madumi na ang tubig sa gawing ibaba ng batis dahil nadudumihan na ng mga tao na nakatira sa bahay na malapit sa batis.
Nagising ako sa aking unang panaginip at nakita ko ang oras na nagreflect sa kisame ng bahay ay 2:43am. Natulog uli ako.
Sa pangalawang panaginip ko ay pumunta daw ako sa isang shopping mall. Pagpasok ko raw ay nabungaran ko ang isang tindahan ng mga salamin sa mata. Yung tindera ay inalokan ako ng maraming salamin sa mata na may ibat-ibang design. Sabi niya sa akin, “Pumili ka lamang ng isa dahil ito ay libreng salamin.” Pakiwari ko ng oras na yun ay may promo sila kaya libre salamin sa mata pero Isang salamin sa mata lamang ang libre. Naglabas siya ng mga salamin sa mata one at a time na may ibat ibang desenyo at kulay. Wala pa akong nakitang mga salamin na ganito sa ibang mga shopping malls. Kahit may harang at nasa gawing gilid ako ng tindera at nakikita ko ang pagyuko-yuko niya para kumuha ng samples ng mga salamin sa drawers ng lamesa niya. May desenyo na may bulaklak at mga hayop na naka emboss sa mga salamin. May desenyo na may mga ark pa sa ibabaw ng salamin. Ang pinagtataka ko ay kung bakit yung lenses ng mata ay yung isa ay maliit ang lens nito sa kaliwa at yung isang lens sa kanan ay malaki naman. Lahat ay ganung design. Hindi balanse ang tingin ko sa itsura ng salamin na parang napapangitan ako. Tinanong ko yung tindera, “Pambabae o panlalaki ba itong salamin?” Ang sagot niya ay “Unisex”. Sinasauli ko sa kanya ang bawat pinapakita niyang salamin sa mata dahil hindi ko nagugustuhan ang design dahil hindi balanse ang laki ng lenses nito, bakit Isang maliit at Isang malaki ang lenses nito. Hanggang nag-abot ang tindera sa akin ng isang malaki at mabigat na salamin sa mata dahil yari sa bakal ang frame nito pero ang mga lenses nito ay apat na pawang malilinaw at parerehong laki nito na nakapaligid sa buong frame ng salamin. Kahit na mabigat ito ay yun na lang kinuha ko dahil sa alam ko na libre naman ito at hindi ako magbabayad. Nang kinuha ko na yung salamin sa mata ay nagulat ako ng may inilabas yung tindera ng Isang salamin sa mukha na pang lamesa na curve ang hugis nito at sa loob ng curve na salamin ay punong puno ng mga items tulad ng toothpaste, toothbrush, hand sanitizer, small lotion, etc. Ang pakiwari ko ay pagpipilian ba ito kung hindi ko kukunin ang salamin sa mata? Tinanong ko yung tindera. “Kasama ba ito sa pagpipilian o libre lang?” Ang sagot ng tindera sa akin ay “Dagdag na libre lang yan para sa iyo.” Hindi ako makapaniwala na may dalawang libreng items ako, Isang modernong salamin sa mata at Isang modernong salamin sa mukha. Ako ay lubos na nagpasalamat sa kanya dahil sa libreng items at nung paalis na ako sa tindahan ay nakita ko yung tindera na nagbigay sa akin ng dalawang libreng mga salamin na nasa counter na malapit sa exit. Maiksi ang kanyang buhok at nakasuot na puti na pang-itaas na uniporme at itim na pantalon. Napansin ko na maluhaluha ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin at habang ako naman ay papaalis ng tindahan. Gayunpaman, nagpasalamat pa rin ako sa kanya at tuluyan na akong umalis ng tindahan.
Nagising ako ng 5:05 ng umaga na nagreflect sa kisame ng bahay pagkatapos ng dalawang panaginip kanina lamang. Nagpasalamat ako sa Diyos sa panibagong umaga na ibinigay niya sa akin.
“I am telling you. Be kind to others. Help others who need your help. God bless you.”