Tag Archives: anak

White Trash Bags

14 Oct
Overflowing dumpster labeled Waste Management on a neighborhood street

An overflowing city dumpster sits along a lively neighborhood street lined with local shops.

Dahil napagod ang aking mga mata sa paggawa ng mga assignments ko ay natulog ako ng maaga kagabi mga bandang alas 7:30.  Sa himbing ng aking pagtulog ay nanaginip ako na kasama ko si Nanay. Isang umaga habang naglalakad kami ay may nakita akong isang malaking kariton na punong puno ng mga puting plastic na pakiwari ko ay mga trash bags ito. Nakahimpil ito sa gilid ng kalsada na walang dumadaang mga sasakyan at wala ring taong dumadaan dito. Napatigil ako sa tapat nito at ako ay umakyat sa tuktok ng kariton. Si nanay ay naiwan sa ibaba. Nakita ko na maraming mga puting plastics. Kinakalkal ko daw ito pero wala along makitang totoong basura sa loob ng plastic dahil wala itong mga lamang. Patuloy akong nagkakalkal hanggang makaabot ako sa bandang dulo ng kariton na ang kabuuan ng buong kariton ay natatakpan ng mga lukot pero malilinis na puting plastics. Nang pinawi ko ang mga puting plastics sa ibabaw ay nakakita ako ng mga bagong mga bagay tulad ng dalawang (2) wallet na sarado pa at iba pang mga gamit sa bahay. Tuwang tuwa daw kami umuwi ni Nanay sa bahay dahil marami kaming bitbit na puting plastics na may laman na napulot namin sa kariton na walang nagmamay-ari. Pagdating ko sa bahay ay unti-unti ko inilabas isa-isa ang mga laman ng puting plastic bags. Napag-alaman ko na may tatlong (3) maliliit na walis na pawang yari sa tambo at ibat-iba ang sukat nito. Ibinuka ko pa nga yung maliliit na walis dahil mga nakatiklop ito ng para bang mga payong na nakasarado. Natuwa daw daw Ako sa tatlong (3) walis tambo dahil sobrang liit nila at ibat-ibang sukat pa. Nilagay ko day ito sa isang sisidlan kasama pa ang ibang mga gamit na natagpuan ko sa malaki at mahabang kariton na punong-puno ng malilinis at lukot na puting plastic na basurahan sa ibabaw nito.

Kalaunan ay nagising na ako ng alas 3:11 ng madaling araw na nakita ko sa kisame na kung saan bumungad ang ilaw ng orasan na nasa tabi ng kama ko.

Para sa Dakilang Nanay

16 Oct

Hangarin ko po na mabigyan kayo ng kaginhawaan

Adhikain ko po na kayo ay matulungan

Pinasasalamatan ko po ang iyong pagigigng huwarang ina

Pinagbubunyi ko po ang inyong kadakilaan

Yaman kong taglay ang mga payo po ninyo at pangaral.

Butihing ina ko na walang katulad

Ipinagmamalaki ko po kayo sa buong mundo

Responsableng nanay na hindi matutumbasan

Tama at tuwid lagi ang pinaninindigan at katwiran

Handa ninyo pong harapin ang mga unos sa buhay

Di po kayo sumusuko sa anumang balakid na nararanasan.

Alamat po kayo ng isang lahing Pilipino na makasaysayan

Dakilang ina ko na sadyang mapagmahal, masipag, maunawain at makatarungan

Kaya sampu ng inyo pong pamilya at lahat ng mga nagmamahal sa inyo

Kami po ay buong puso at wagas na nagpapasalamat po sa inyo, Nanay

sa inyo pong kadakilaan bilang isang mabuting ina sa aming lahat.