Dahil napagod ang aking mga mata sa paggawa ng mga assignments ko ay natulog ako ng maaga kagabi mga bandang alas 7:30. Sa himbing ng aking pagtulog ay nanaginip ako na kasama ko si Nanay. Isang umaga habang naglalakad kami ay may nakita akong isang malaking kariton na punong puno ng mga puting plastic na pakiwari ko ay mga trash bags ito. Nakahimpil ito sa gilid ng kalsada na walang dumadaang mga sasakyan at wala ring taong dumadaan dito. Napatigil ako sa tapat nito at ako ay umakyat sa tuktok ng kariton. Si nanay ay naiwan sa ibaba. Nakita ko na maraming mga puting plastics. Kinakalkal ko daw ito pero wala along makitang totoong basura sa loob ng plastic dahil wala itong mga lamang. Patuloy akong nagkakalkal hanggang makaabot ako sa bandang dulo ng kariton na ang kabuuan ng buong kariton ay natatakpan ng mga lukot pero malilinis na puting plastics. Nang pinawi ko ang mga puting plastics sa ibabaw ay nakakita ako ng mga bagong mga bagay tulad ng dalawang (2) wallet na sarado pa at iba pang mga gamit sa bahay. Tuwang tuwa daw kami umuwi ni Nanay sa bahay dahil marami kaming bitbit na puting plastics na may laman na napulot namin sa kariton na walang nagmamay-ari. Pagdating ko sa bahay ay unti-unti ko inilabas isa-isa ang mga laman ng puting plastic bags. Napag-alaman ko na may tatlong (3) maliliit na walis na pawang yari sa tambo at ibat-iba ang sukat nito. Ibinuka ko pa nga yung maliliit na walis dahil mga nakatiklop ito ng para bang mga payong na nakasarado. Natuwa daw daw Ako sa tatlong (3) walis tambo dahil sobrang liit nila at ibat-ibang sukat pa. Nilagay ko day ito sa isang sisidlan kasama pa ang ibang mga gamit na natagpuan ko sa malaki at mahabang kariton na punong-puno ng malilinis at lukot na puting plastic na basurahan sa ibabaw nito.
Kalaunan ay nagising na ako ng alas 3:11 ng madaling araw na nakita ko sa kisame na kung saan bumungad ang ilaw ng orasan na nasa tabi ng kama ko.
