Tag Archives: umaga

Oras ng Gising sa Umaga

28 Oct
Comic text: MADALING-ARAW SA BARRIO. “Pa’no ba ’to... (sigh)” “Gising na, anak. May kape na.” MADALING-ARAW SA BARRIO.

A mother comforts her sleepy son with coffee as morning begins in their barrio home.

Nang magising ako ng 1:28 ng madaling araw at nakatulog muli ay nanaginip ako. Sa aking panaginip ay kasama ko raw sa bahay ang Nanay ko. Habang siya ay gumagawa ng banig sa sala ay narinig ko ang boses niya at nagsabing “Alas 6 na ng umaga.” Napabalikwas ako ng bangon nang makita sa munting orasan sa sala na totoo nga na alas 6 na ng umaga. Nagtungo agad ako sa kusina namin para mag-almusal. Nakita ko na may nakasalang sa lutuan na ang panggatong ay kahoy na nagbabaga na uling nito. Kitang kita ko na umuusok yung maliit na kaserola na kung saan lumalabas ng usok nito sa butas ng takip nito dahil wala ng hawakan yung takip nito. Kumuha ako ng tinidor na usli ang isang daliri nito sa isang lalagyanan malapit sa lababo.
Dahan dahan kong binuksan ang takip ng kaserola gamit ang daliri ng tinidor dahil mainit ito. Nakita ko na may sabaw yung niluluto na may kamatis na ang amoy at itsura nito ay parang sabaw ng isda pero hindi ko makita ang laman nito dahil sa lapot ng sabaw. Ibinalik at isinara ko na ang takip nito. Pagkatapos, naisip ko na gusto ko na magtimpla ng kape. Inisip ko na magtimpla ako ng kape at timplahan ko na rin ng kape si Nanay na nasa sala.

Naputol ang panaginip ko ng magising na ako ng 2:10 ng umaga. Naalala ko tuloy yung nakagawian noong bata pa ako na ginigising ako ng maaga ng Nanay ko bago sumikat ang araw. Napag-isip isip ko na ang 1:28 ng umaga ay maiuugnay ko sa January 28 na kamatayan ni Nanay at ang 2:10 ay maiuugnay ko rin sa February 10 na kapanganakan ni Tatay. Nabantayan ko na ang buong madaling araw at hindi na ako makatulog kahit na pinipilit kong ipikit ang aking mga mata dahil sa panaginip ko.