Tag Archives: prayers

Ulam sa Handaan

13 Aug
Multigenerational family enjoying dinner together at a lit outdoor night market

A multigenerational family shares a joyful meal beneath glowing lights at an outdoor night market.

Nanaginip ule ako ngayong madaling araw. Napanaginipan ko na isang gabi ay may malaking handaan. Mahaba ang isang lamesa na yari sa kahoy na walang sapin at may dalawang mahabang upuan na yari sa kahoy din sa kabilaan ng lamesa. Maraming kumakain at naroon ang kapatid ko na si Ca Let na nakaupo na malapit na sa dulo ng lamesa. Hindi pa raw ako nakaupo dahil pinapauna ko muna ang mga bisita na makaupo at makakain. Maya-maya ay dumating si Ca Lolly, pinsan namin, na umupo halos tapat ni Ca Let. May dala siyang mga ulam na gulay at isang balot na isda na mga maliliit na tinapa na kasinglaki lamang ng mga toyo pero tinapa ito. Nakabalot ito ng malinaw na plastic sa isang itim na styrofoar. Sabi daw ng kapatid ko na si Ca Let kay Ca Lolly ay “Luma na yan.” na ibig sabihin ni Ca Let ay hindi na ito ligtas kainin dahil luma na yung pagkain. Hindi sumagot si Ca Lolly at inilapag na lang sa lamesa yung ulam na gulay at yung nakabalot na tinapa. Pakiwari ko ay ayaw na niyang ibalik sa kusina at nagugutom na rin siya. Nang makita ni Ca Let ang paglapag ng ulam sa lamesa ay nabanggit niya na lamang na “Bahala ka.”

Nung nakaupo na si Ca Lolly ay umupo na rin ako sa tabi ni Ca Lolly para kumain na katapat sa pagitan naming dalawa si Ca Let na nakabistida ng puti na bagay sa kanya, naka shaggy ang buhok na hanggang leeg niya haba sa likod at may hikaw na ginto sa magkabilang tenga niya na may dangling pa na lumalaylay at kumikinang. Medyo malusog pa si Ca Let at mababanaag sa kutis niya ang kaputian niya.

Katabi ni Ca Let ay may mag asawang Pinoy na bata sa kanya na kumakain din. Hindi sila masyadong marunong mag-Tagalog kasi lumaki sila sa ibang bansa. Habang kumakain si Ca Let ay gusto niya ng bagoong na isda na malapit sa mag-asawa yung sawsawan na nasa platito. Gustong ipaabot ni Ca Let pero mahihiya niya itong sabihin at hindi niya maisalin sa salitang English yung “Bagoong”. Sinabi ko daw kay Ca Let na “Salty fish sauce o Bagoong.” Natawa daw si Ca Let sa akin nung nasabi ko ito ay inabot sa kanya yung sawsawan na bagoong para sa inihaw na bangus na nasa plato niya.

Dahil halos maubos na ang pagkain sa lamesa at ayaw kainin ni Ca Let yung nilapag ni Ca Lolly sa lamesa. Nainis siya sa mga katabi niya na kumakain din na sinandok lahat at inubos ang ulam sa gitna ng lamesa na hindi siya tinirhan. Kaya tumayo si Ca Let at nagpasyang kumuha ng ulam sa kusina.

Sa kusina ay may mga pininsan kami nandoon. Nandoon sa kusina si Ca Bing at napansin ni Ca Bing na parang naiinis na nagsasandok ng ulam si Ca Let na mula sa banga mula sa puting plato na babasagin. Yari sa kahoy ang pinapansandok niya sa ulam sa kusina. Nang makabalik na siya sa upuan at kumakain ay konti na lang kami kumakain. Wala na doon si Ca Lolly.

Nang kumakain na muli si Ca Let ay katapat ko na siya at katabi ko naman ay 2 babae na mukhang mag-ina na Pinoy. Yung ina ay bata sa akin na mga nasa 20’s Ang edad niya at batang babae ay mga walong taong gulang seguro ang edad niya. Pareho silang mahaba ang buhok at nakabistida din na dirty white. Habang kumakain kami ni Ca Let ay lumapit daw si Ca Bing na nagmula siya sa kusina kay Ca Let. Nakangiti si Ca Bing habang nakatayo sa tabi ni Ca Let na nakaupo at kumakain pa. Ang sabi daw ni Ca Bing kay Ca Let na “Napansin ko sa kusina na mukhang galit ka habang nagsasandok ka ng pagkain.” Ang sagot sa kanya ni Ca Let ay “Sukat ba naman sinabihan ako ng katabi ko kanina na, “Ang tanda tanda mo na, nakabaston ka pa.” Tapos nakita ko na nagtawanan na lang silang pareho ni Ca Let at Ca Bing.

Habang kumakain ako ay konti na ang ulam pero maraming kainin. Kumakain daw ako na naka-kamay lamang. Bago ko isubo yung puting puting kanin ay hinuhulma ko muna ito sa aking mga daliri. Masarap kainin yung kaning puti kahit na walang ulam kasi parang malagkit ito. Habang kumakain ay gusto ko uminom ng tubig pero walang tubig sa lamesa at walang malinis na baso sa lamesa puro nagamit na. Kumakain daw ako na walang tubig akong iniinom.

Napansin ko lamesa kahit kami na lang kumakain na apat katao ay walang nagliligpit pa kahit nasa gawing dulo kami ng lamesa. Nandun pa ang mga nagamit na mga malalaking plato na babasagin at kulay puti at baso na babasagin din at malinaw na walang kulay.

Nagising ako ng 5:34 ng umaga ng August 13, 2026. Naalala ko na si Ca Let at Ca Lolly pala ay iisang buwan na kamatayan, Agosto din. Bale namatay sa buwan ng Agosto si Ca Let, August 24, Si Indo Simay, August 25, hindi ko tiyak kung anong eksaktong araw si Ca Lolly, kung hindi ako nagkakamali ay parang last week din siya ng August namatay.

Ipagdasal natin ang kanilang mga kaluluwa. Minsan ang panaginip natin ay nagsisilbing paalala sa atin na hindi natin sila nakakalimutan habang buhay.

The Mother’s Prayers

25 Mar

These prayers were recited by my 92-year old mother last Holy Week 2016 when a miracle happened afterwards. She got recovered faster from serious illness.  You may try to recite it too.

Anghel a Bantay Ko

 (My Guardian Angel)

Anghel a bantay ko

Santos tan Santa kalagyo kon ngalan

Yabi awlo con pitagan

Siay engangaro mo tan tambay

Anghel ando moco ibukan

Sa bungat anan kaatapan

Kalulwa ko tan lalaman

Mampasimala makinabang

Sa Gloria mon kaysumin anggawan

Dasal bayo Malok

(Prayer before you sleep)

Malok akoyna kalulwa ko

Ando ka malok

Magbalayan ka nin Krus

Pigaw kala pakasindog

Taw tukson mangalaot

Ama Mi

(The Lord’s Prayer)

 

Ama mi eson ka sa langit

Mansambawan mi a ngalan mo

Mika sa komi a nagarian mo

Sunulon mi a nakom mo

Iti sa luta bilang sa langit

Biyan mo kami sa wanin

Kanon mi sa inawlo-awlo

Tan karuwan mo kami

Sa aw utang mi

Bilang pamingangaro mi konlan nagkautang sa komi

Ando mo kami ebin sumunol sa tukso

Tan ilipyas mo kami sa salban mangalaot. Amen

Ave Maria

(Hail Mary)

Ave Maria napno ka nin grasya

Siay katawan a Dios eson ya komo

bendita ka sa salban bawbaye

Tan bendito ya namaot a Bungan tiyan mo

A anak mo si Jesus

Santa Maria ina ng Dios

Ipasisingaro mo kami a makasalanan

Sa wanin tan sa oras

Ipati mi. Amen

Gloria

(Glory Be)

 

Gloria sa Ama, sa Anak tan Dios Espiritu Santo.

Kapara sa wanin tan sa oras a kaysumin angawan. Amen

Catawan kon Jesukristo

(Lord Jesus Christ)

Catawan kon Jesukristo

Dios a putog tan tawon pago

Sicay namalsa tan nanundon kongco

Sicay manlabyon ko muna sa salban

Sicay nikarunong sa salban

Cania naod mampangombabali koynan pago

Ibat sa matibulos a nakom ko; salban a kasalanan ko

A makamatin kalulwa ko; kayko na mangoman Catawan

Magkasalanan komo; gaw-on koynay magot a

Pamakatipan tan anamaot pakarayuon koynay salban

Makapinabo kongco sa salban kasalanan ko

Cania Catawan tambayan moko

Ta sicay manpasimalaan ko, karuwan mo ko pa komon

Alang-alang sa aw-irap tan pangamati mo sa krus. Amen

Tompol Ako

(I Believe)

Tompol ako sa Dios Ama

Makapangyayari sa salban

A namalsa nin langit tan luta

Tan tompol ako koni Jesukristo

Asay anak nan Dios, Catawan tamon salban

Naglalaman tawo ya ibat sa mablin pasda nan Dios Espiritu Santo

In-abing ni Santa Marian Birhen

Pinadiyadiya naya ni Poncio Pilato

Impasak ya ha Krus

Nati ya tan intabon

Nunaoy ya sa impiyerno

In ikatlon awlo nurong yan nabyay

Nuli ya sa langit; mantuklo ya sa wanan nan Dios Ama a makapangyayari

Itaw ya mangibat mako itin maghukom konlan mangkabyay tan nati

Tan tompol ako konan Espiritu Santo tan konan Santa Iglesia Katolika

Ta main pitatagman lan saw Santos tan makamot kawkasalan

Konan pamurong nan mabyay nan lalaman tan biyay a kaysumin anggawan. Amen

http://www.masmeron.com