Tag Archives: ina

Ang Iyong Nanay (Your Mother)

30 Oct

nanay ko

Sa pagdadalantao at pagpapakain sa iyo, ang iyong Nanay ang tumutulong at nag-aalaga sa iyo.

Sa pag-aalaga sa iyo kung ikaw ay magsakit, ang iyong Nanay ang nagmamalasakit sa iyo.

Sa pagmamalasakit sa iyo upang ikaw ay makapag-aral, ang iyong Nanay ang palaging nangangaral.

Sa pangangaral sa iyo upang ikaw ay lumaki ng matiwasay, ang iyong Nanay ang umaalalay at umaagapay.

Sa pag-aagapay sa iyo upang paglabanan ang anumang unos sa buhay, ang iyong Nanay ay nariyan at dumaramay.

Sa pagdamay at pagtulong mo sa kapwa, ang iyong Nanay ay natutuwa sa iyong mga gawi at gawain

Sa iyong mga gawain na kaaya-aya, ang iyong Nanay ay laging masaya sa iyong pinapakita.

Sa iyong pinapakitang sipag at pag-aabot ng kita para sa iyong ama’t ina at pamilya, sa kanilang dalawa ay sadyang napakahalaga.

Sa iyong pagpapahalaga sa pamilya, ang iyong Nanay ang nagtuturo sa iyo, di ba?

Sa iyong pagtuturo saan man, ang pangaral ng iyong Nanay ang hindi mo makalimutan kailanman.

Kailanman, maging sino at saan ka man, hahanapin at susundin mo iyong Nanay

Ang iyong Nanay na mapagmahal, mapagkalinga at mapagbigay sa iyo at sa iyong pamilya

Pamilya na may ningning, saya at sigla kapag mayroon at nariyan ang Nanay.

Kaya, habang ang iyong Nanay ay nabubuhay, buo mong pagmamahal ay nararapat lamang na ibigay sa iyong Nanay.

 

 

Continue reading

Nanay Magpakailanman (Mother Forever)

8 May

nanay ko (2)

Bago ipanganak (Before Birth)

Nanay (Mother): “Asawa ko! Mukhang manganganak na ako ngayon kasi humihilab na ang tiyan ko.” “Aray”!

(“Hubby, I think I will deliver my baby now because my tummy is aching.” “Ouch”!

Tatay (Father): “Sige, Mahal. Dadalhin kita sa ospital ngayon din”

(“Yes, Dear.  I will bring you to the hospital right now”)

Pagkatapos ng Isang Buwan (After a month)

Sanggol (Infant): (umiiyak) “Whaaaa, whaaaa!”

(crying) “Whaaaa, whaaaa!”

Nanay (Mother): (nagmamadali) “Dito na ako, anak. Pasususuhin na kita.”

(in a hurry) “I am already here, baby to breastfeed you.”

Pagkatapos ng isang taon (After a year)

Anak (Baby): “Nanay, Nanay”

(“Mother, Mother”)

Nanay (Mother): (niyakap) “Wow, ang galing, galing mo naman, anak ko”

(hugged the baby) “Wow, you are so smart, my baby.”)

Pagkatapos ng limang taon (After five (5) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, masama po ang aking pakiramdam.”

(“Mom, I am not feeling well.”)

Nanay (Mother): “Ipatingin kita sa manggagamot.”

(“Let us see the medical doctor.”)

Pagkatapos ng sampung taon (After ten (10) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, gusto ko po mamasyal, kumain at makatanggap ng regalo sa kaarawan ko”.

(Mom, I would like to take a walk, dine-in with you and receive a gift on my birthday.”)

Nanay (Mother): “Sige, anak. Bastat maging mabait kang bata ay matutupad ang mga kahilingan mo.”

(Son/Daughter, as long as you will be a good child, your wishes will be granted.”)

Pagkatapos ng labinlimang taon (After fifteen (15) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, nakatapos na ako ng pag-aaral na may karangalan.” “Maraming salamat po sa inyo.”

(“Mom, I graduated already with flying colors.” “Thank you so much.”)

Nanay (Mother): (napakasaya) “Masayang-masaya ako, anak dahil nakatapos ka na may karangalan.”

(very happy) (“I am very happy that you graduated with flying colors, my son/daughter.”)

Pagkatapos ng limang taon (After five (5) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, mag-aasawa na po ako.”

(“Mom, I am getting married.)

Nanay (Mother): “Binabati kita at hangad ko ang iyong kaligayan at tagumpay.”

(Congratulations and I wish for your happiness and success.”)

Pagkatapos ng sampung taon (After ten (10) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, heto na po ang mga apo ninyo.”

(“Mom, Here are your grandchildren.”

Nanay (Mother): “Wow, ang gaganda at ang popogi nila.”

(Wow, they are so pretty and handsome.”)

Pagkatapos ng limampung taon (After fifty (50) years)

Nanay (Mother): (umiiyak) “Matanda na ako at malapit ng mamatay. Ano mang oras ay babalik na ako sa  Diyos. Tangi mong pakatandaan na mahalin at pangalagaan mo ang iyong pamilya tulad ng pagmamahal at pangangalaga ko sa iyo noong ikaw ay bata pa, habang lumalaki hanggang magkaroon ng sariling pamilya.”

(crying) (“I am already old and getting nearer to death. Anytime, I will go back to God.  Just remember, you have to love and care your own family as what I did love and care to you when you were young and getting older until you have your own family.”)

Anak (Son/Daughter): (umiiyak) “Nanay ko na pinakamamahal ko. Kung ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa akin, Ikaw, Nanay ko ang nagbigay ng kulay ng buhay ko. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyo, Nanay, sa lahat ng mga bagay na ipinagkaloob mo sa akin. Wala po kayong katulad. Napakadakila po kayong nanay para sa akin at sa aking pamilya. Hindi lang po, masayang pagbati ng Mother’s Day sa inyo kundi masayang Mother’s Forever sa inyo.”

(crying) (“My beloved Mom. If God gave me life, You, my Mother, gave colors in my life.” I am very thankful to you for all the things that you had given to me. You are incomparable. You are the greatest mother for me and for my family. It is not only the greetings of Mother’s Day to you but also the happiest Mother Forever to you.”)

 

 

 

 

 

 

 

Para sa Dakilang Nanay

16 Oct

Hangarin ko po na mabigyan kayo ng kaginhawaan

Adhikain ko po na kayo ay matulungan

Pinasasalamatan ko po ang iyong pagigigng huwarang ina

Pinagbubunyi ko po ang inyong kadakilaan

Yaman kong taglay ang mga payo po ninyo at pangaral.

Butihing ina ko na walang katulad

Ipinagmamalaki ko po kayo sa buong mundo

Responsableng nanay na hindi matutumbasan

Tama at tuwid lagi ang pinaninindigan at katwiran

Handa ninyo pong harapin ang mga unos sa buhay

Di po kayo sumusuko sa anumang balakid na nararanasan.

Alamat po kayo ng isang lahing Pilipino na makasaysayan

Dakilang ina ko na sadyang mapagmahal, masipag, maunawain at makatarungan

Kaya sampu ng inyo pong pamilya at lahat ng mga nagmamahal sa inyo

Kami po ay buong puso at wagas na nagpapasalamat po sa inyo, Nanay

sa inyo pong kadakilaan bilang isang mabuting ina sa aming lahat.