Tag Archives: mom

Ang Iyong Nanay (Your Mother)

30 Oct

nanay ko

Sa pagdadalantao at pagpapakain sa iyo, ang iyong Nanay ang tumutulong at nag-aalaga sa iyo.

Sa pag-aalaga sa iyo kung ikaw ay magsakit, ang iyong Nanay ang nagmamalasakit sa iyo.

Sa pagmamalasakit sa iyo upang ikaw ay makapag-aral, ang iyong Nanay ang palaging nangangaral.

Sa pangangaral sa iyo upang ikaw ay lumaki ng matiwasay, ang iyong Nanay ang umaalalay at umaagapay.

Sa pag-aagapay sa iyo upang paglabanan ang anumang unos sa buhay, ang iyong Nanay ay nariyan at dumaramay.

Sa pagdamay at pagtulong mo sa kapwa, ang iyong Nanay ay natutuwa sa iyong mga gawi at gawain

Sa iyong mga gawain na kaaya-aya, ang iyong Nanay ay laging masaya sa iyong pinapakita.

Sa iyong pinapakitang sipag at pag-aabot ng kita para sa iyong ama’t ina at pamilya, sa kanilang dalawa ay sadyang napakahalaga.

Sa iyong pagpapahalaga sa pamilya, ang iyong Nanay ang nagtuturo sa iyo, di ba?

Sa iyong pagtuturo saan man, ang pangaral ng iyong Nanay ang hindi mo makalimutan kailanman.

Kailanman, maging sino at saan ka man, hahanapin at susundin mo iyong Nanay

Ang iyong Nanay na mapagmahal, mapagkalinga at mapagbigay sa iyo at sa iyong pamilya

Pamilya na may ningning, saya at sigla kapag mayroon at nariyan ang Nanay.

Kaya, habang ang iyong Nanay ay nabubuhay, buo mong pagmamahal ay nararapat lamang na ibigay sa iyong Nanay.

 

 

Continue reading