Ika-03 ng Enero, 2026 nang madaling araw ay nanaginip ako na nasa isang kainan kaming mga magkakapatid sampu ng kanilang mga pamilya. Dumating daw kami sa kainan na gabi na at doon maghahapunan. Nasa bukana lang kami ng kainan at naghanap ng mauupuan dahil maraming kumakain sa loob na pawang mga banyaga ito at may mga mapuputing mga tao na nakaupo sa loob ng kainan na nagkukwentuhan. Nababanaag ko sa panaginip ko ang isang maputing babae na malapit sa aming kinatatayuan na nakaupo at nakikipag-usap sa kanyang kaharap. Blonde ang buhok nito at naka-pony tail ito at nakasuot ng sleeveless na itim na damit. Nakatagilid siya sa amin na nakikipag-usap kaya yung gilid ng mukha lamang niya ang nakikita ko. Ang ilaw sa kainan ay medyo dilawan ang kulay at hindi gaanong maliwanag. Nakita ko na punong-puno ng tao ang kainan. Wala kaming maupuan kaya tumawag kami ng isang waiter para bigyan kami ng upuan. Nag-abot ang waiter ng dalawang bangko na natitiklop. Ang bangko na unang inilatag ay isang mahaba at sinundan ito ng isang maiksi. Inilatag muna yung mahabang bangko na natitiklop na parisukat ang bawat sukat nito nang makita ko ito sa top view na magkakabit kabit ang bawat sukat na kulay brown ang kulay at walang sandalan ito. Mukhang nakadesenyo ang bawat sukat nito sa bawat tao na uupo. Sa mahabang bangko na nasa gilid inilatag ay doon naupo halos ang mga babae na kapamilya ko. Tapos may lamesa na natitiklop din sa gawing harapan ng mahabang bangko. Pagkatapos nailatag yung mahabang bangko ay inilatag din ang maiksing bangko sa kabila nito. Sabi ko raw sa sarili ko na “Bakit maiksi yung isa eh marami kami”. Tapos sa likod namin pag uupo na kami ay daanan ito ng mga tao na magiging sagabal kami sa pagpasok ng mga tao sa kainan dahil malapit kami sa pintuan ng kainan o baga nasa bukana kami ng kainan.
Umorder na ang mga kapatid ko ng mga pagkaing Filipino. Habang kami ay naghihintay ng inorder na pagkain ay may dumating na isang maputing babae na mukhang Hispanic ang itsura nito. Marami itong bitbit na mukhang mga pinamili niya dahil pawang nasa loob ng paper bag ay yung mga pinamili niya. Tumayo yung babae sa tapat ng aming lamesa. Iniisip niya kung uupo ba siya sa lamesa namin dahil wala ng maupuan sa loob ng kainan. Maya-maya na nga ay umupo na rin siya sa aming maiksing bangko para kumain sa lamesa namin. Sabi ko raw sa isang kapatid ko na babae habang naghuhugas ako ng kamay bago kumain na “Pwede ba siya makikain sa atin?” “Magugustuhan kaya niya yung pagkaing Pinoy”. Sumagot ang kapatid kong babae at sinabi niya na “Pwede naman siya makisabay at makikain sa atin. Kaya lang baka mag-aagawan sila sa pagkain at mahihiya siya makiagaw. Hindi rin siya makakain ng husto.”
Nang malapit na ako matapos maghugas ng mga kamay ko ay may pumila na babae na naka bistida na sleeveless at kulay itim ang bistida niya. Parang siya yung babae na Hispanic na maghuhugas ng kamay rin ng mga kamay bago siya makisalo sa hapag kainan namin.
Nagising na ako at 7:30 ng umaga na pala ng Sabado. Nagreflect ito sa kisame ng kuarto ko nang oras na yun.
Leave a comment