Tag Archives: extracurricular-activities

Tatlong-Palapag na Gusali

11 Jan

Gabi ng Sabado petsa Enero 10, 2026 nataon sa kapistahan ng Santo Nino ay nanaginip ako ng isang gusali na may tatlong palapag. Nagsimula ang panaginip ko na umakyat ako sa isang gusali na may tatlong palapag. May hagdanan ito pataas at umabot ako sa ikatlong palapag ng gusali. Mukhang bahay yung gusali na inakyat ko. Nang nasa ikatlong palapag na ako ay nakita ko na ang mga dingding at kisame nito ay yari sa semento na pininturahan ng light color na parang pinaghalo ng puting pintura at konting asul kaya medyo bluish ang puting pintura nito. Nakita ko sa pag-akyat ko na may malaking tubo yari sa bakal sa loob ng bahay na malapit sa hagdanan. Nakapintura din ito katulad ng kulay ng nasa dingding at kisame ng bahay. Hindi ako nagtagal sa ikatlong palapag at bumaba na ako. Paglabas ko ng bahay ay napalingon ako sa gawing kaliwa at natanaw ko ang isang gusali rin na may tatlong palapag. Sa pakiwari ko ay isang paaralan ito ng sekondarya na may light color din pero yung paaralan ay medyo matingkad ang pagkaasul niya kaysa sa bahay na kung saan ako bumaba. May isang lalaki na nakaputing kamiseta na may kwelyo na nasa edad 30 hanggang 40 siya at may dalang flashlight dahil parang magdapit hapon na noon. Nakita ko tatlong palapag na gusali ay madilim at walang mga ilaw. Yung lalaki na mukhang bantay ng paaralan at ako ay naglakad patungo sa paaralan. Yung lalaki na nakaputing kamiseta na may kwelyo ay pumasok sa gawing kaliwa ng gusali. Hindi ako sumunod dahil madilim ang gusali at nagkaroon ako ng takot na pumasok sa gusali. Habang nasa baba at harapan ako ng gusali ay maya-maya ay nakita ko na maraming mga bata na bumababa sa gusali na nagdudulot ng ingay ang kanilang pag-uusap habang bumababa sa mga hagdan ng paaralan. Hindi sila naka-uniporme na parang nagpraktis sila. May mga lalaki at babae na pawang mga estudyante sa sekondarya. May mga lalaki na nakashort at nakasapatos. Yung isang mataas at kayumangging lalaki ay nakasuot ng gray na kamiseta. Ang mga babae ay nakashort din. Ang isang maputi at magandang babae ay naka-kamiseta na satin na may stripe na kulay na pababa ang disenyo ng stripes nito. Ang kulay ng stripes ay dark blue o navy blue sa magkabilang gilid at ang stripe sa gitna ay kulay puti. Ang babae ay nakapony tail ang kanyang buhok. Marami ang bumababa at nagstand by pa sa harap ng paaralan dahil may silongan ito at may mga upuan pa at doon nila inilatag ang kanilang mga bags habang patuloy silang nakikipagkwentuhan sa isa’t isa.

Nagising ako at alas singko y media (5:30) na pala ng umaga ng Linggo, Enero 11, 2026.