Himig Handog Entry
Turuan Mo Ako
(Originally composed by Renato Mas Meron)
Intro:
Hah, hah, hah,hah, hah, hah (3x)
I
Bata man ako sa iyong paningin
Boses ko sanay iyong dinggin
Alam mo bang minahal kita ng lubusan
Pagmamahal ko na di matumbasan,
II
Ngayon na muli tayong nagkita
Masayang araw ang ating nadarama
Titigan mo ang aking mga mata
Makikita mo ang ningning at sigla
Ng aking mga mata
Chorus
Bakit hindi mo ako turuan na iwasan ka
Bakit hindi mo ako turuan na limutin ka
Upang hindi ako maghahanap pag mawalay ka
at hindi labis masasaktan pag mawawala ka
III
Hanggang kailan tayo pwedeng magsasama
Hanggang kailan tayo maging laging masaya
Unawain mo sana ang aking damdamin
Wagas na pag-ibig koy iyong pansinin.
IV
Ngayon na muli tayong nagkita
Masayang araw ang ating nadarama
Titigan mo ang aking mga mata
Makikita mo ang ningning at sigla
Ng aking mga mata
Chorus
Bakit hindi mo ako turuan na iwasan ka
Bakit hindi mo ako turuan na limutin ka
Upang hindi ako maghahanap pag mawalay ka
at hindi labis masasaktan pag mawawala ka
Fading
Hah, hah, hah, hah, hah, hah (3x)

Anne Michelle Compania
BSE 3-A (MATH)
Nang matapos kong basahin ito,,,naisip ko tuloy na mahirap talagang umasa n lamang tayo sa iba dahil mas maganda pa ring matuto tayo sa ating mga sariling karanasan sa buhay. Lahat naman tayo ay dumadanas ng iba`t- ibang pag-subok at ang masakit na katotohanan doon na kahit anong gawin natin kakailanganin pa rin talaga natin ang tulong ng iba, maaaring pamilya, kaibigan,at ibang tao na rin .
Ako man ay aminado rin n kumukonsulta rin ako sa iba lalo n kung alam ko, na di ko na talaga kakayanin tong problema n binigay sa akin ng Panginoon, “turuan” salitang
alam nating madaling gawin, ngunit tanggapin man natin o hindi ay napaka-hirap pa ring matutunan at sundin , di ba nga may kasabihan na “madaling sabihin mahirap gawin” parang tayo lng talaga yan , minsan kahit pinag-sasabihan na tayo ng iba na ito ang gawin,dahil ang dahilan nila na ito ang mas makakabuti sa atin, ay binabaliwala pa rin natin, dahil mas mas madalas na sinusunod pa rin natin ang ating mga sariling kagustuhan .
kaya masasabi ko lang kung sakaling may pagsisihan man tayo sa huli, dahil na rin sa mga desisyong pinili nating gawin at pangatawanan sa buhay , aminin man natin o hindi wala tayong karapatan na manisi sa iba, kundi ang sarili natin kung bakit ganito ang kinahantungan.
I can say that this song ,“Turuan Mo Ako”, is a very inspiring song.The composer of this song is no other than our great instructor, Mr. Renato Mas Meron.
I’m sure that many people will relate t to this song. From this title, we can already understand if what it is all about. I also love composing song that’s why I really appreciate it. I think others will like it too, if they will read that song, especially to those people who also love composing songs. This song will surely touch the heart of the person who will read it.
Turuan Mo Ako is all about a man/woman who loves the person who is older than him/her. They separated for so many times and then one day they saw each other again.
Because that person he/she loves didn’t notice him/her, he/she wants to teach him/her by the person he/she loves to forget him/her.
Sa kantang “Turuan Mo Ako” nakapaloob dito na wala talagang permanente dito sa mundong ibabaw. ipinahahayag din sa atin ng kanta na mas maganda na matuto tayo sa pansarili lamang na hindi umaasa sa iba. Sinasabi din nito na hindi sa lahat ng bagay ay nakadepende tayo sa iba dahil pagdating ng dulo sarili lamang natin ang ating maaasahan.
“Turuan mo ako” yan ang sinasabi nati pag di natin ,ngunit kung iuugnay ito sa pag-ibig ay turuan mo akong magmahal. Napakasakit isipin na pansamantala lang ang lahat-lahat, pansamantala lan ang saya, lambing at kulitan. Kung alam ko lang na iiwan mo ako ,dapat sinabi mo na nug una palan para di nako nagkakaganito. Ito lang ang masasabi ko “turuan mo akong makalimutan ka”
“Turuan mo ako” ang salitang madalas nating sinasabi kapag gusto natin matutuan ang isang bagay na hindi pa natin alam. Pwede rin naman tayo matuto kung tuturuan natin ang sarili natin na walang tulong ng iba.
Hindi nga natin kontrolado ang ating buhay, maaaring ang taong nagpapasaya sayo ngayon ay siyang mangiiwan sayo. Kaya habang maaga nararapat na sanayin mo na ang iyong sarili na hindi lahat ng nasa paligid mo ay nandiyan hanggang sa huli. Matutong dumistansya lamang at alamin ang iyong limitasyon sa buhay ng iba. Sapagkat sa mundong ito sarili mo lang ang iyong maaasahan dahil kung didipende ka sa iba ikaw ay masasaktan. Kaya habang maaga ang “Turuan mo ako” na salita ay sabihin na sa taong alam mo na nararapat na makatanggap nito.