Tag Archives: Kapangpangan

Hindi Ako Marunong

17 Aug

Hindi ako marunong ng wika mong Ilokano

Mabibigyan mo ba ako ng pagkakataon na mamuno?

Hindi ako marunong ng wika mong Panggalatok

Mayaya mo ba akong maglakad at umakyat ng bundok?

Hindi ako marunong ng wika mong Sambal

Makahiram kaya ako sa iyo ng sasakyan at trapal?

Hindi ako marunong ng wika mong Kapangpangan

Mapaniwala mo kaya ako na walang kasinungalingan?

Hindi ako marunong ng wika mong Tagalog

Maari mo ba akong samahan sa tabing ilog?

Hindi ako marunong ng wika mong Bikolano

Makaya ko kayang akyatin ang niyog at mga puno?

Hindi ako marunong ng wika mong Ilonggo

Magabayan mo ba ako kung saan ako patungo?

Hindi ako marunong ng wika mong Waray

Mapaghandaan mo ba ako ng mga prutas at gulay?

Hindi ako marunong ng wika mong Sebuano

Maililibre mo ba ako na hindi ako mag-aabono?

Hindi ako marunong ng wika mong Muslim

Maihahatid at magkasabay ba tayo sa gitna ng dilim?

Ako ay hindi marunong ng wika mo

Tulad ko rin, hindi ka marunong ng wika ko

Pero tayo ay mga mamamayang Pilipino

May iisang bansa at may iisang layunin

Na pinagbubuklod ng wika natin

https://livegoodtour.com/Masmeron